Linggo, Enero 5, 2014

Campaign Awareness(ImulatNa Ang Mga Mata At Isipan)

          



                     Ang kalikasan ay isa sa pinakaimportanteng bahagi na ng ating buhay sa araw-
araw.Dahil dito tayo kumukuha ng mga pangangailangan natin bilang tao.Ngunit ngayon unti-unti nang nawawala ito sa ating lahat.Dahil alam naman natin na sa panahon ngayon ay hindi na talaga naaalagaan ng maayos ang ating Inang Kalikasan.Lumalaganap na ngayon ang pagpuputol ng puno,pagsusunog ng dahon,plastik,at iba pa na higit na nakakaapekto sa ating kalikasan.Sa ganoong mga pangyayari ay pumapasok na ang Campaign Awareness sapagkat nawawalan na tayo ng pakialam sa ganitong pangyayari.Hindi na natin napagtutuunan ng pansin ngayon ang pagsira ng higit sa ating kalikasan .Kung iintindihin pa ng mas malawig,isa lang ang ibig sabihin nito na tayo bilang isang indibidwal ay wala nang alam sa ganitong sitwasyon.Ito ay dahil sa Modernisasyon na umiiral na sa ating lugar gaya na nga ng pag-usbong ng teknolohiya gaya ng gadgets,mga makina na nakakatulong sa atin mapabilis ang ating mga gawain sa araw-araw at iba pa.At nang dahil dito ay nawawalan na tayo ng interes pa sa ibang bagay na nasa paligid natin at nawawalan na tayo ng alam sa nangyayari sa lugar.
                  Isa pa sa halimbawa nito ay ang Kahirapan na nararanasan ng mga kababayan natin ngayon.Sapagkat napapansin ko na ang mga nakakaangat sa buhay ngayon ay walang ginawa kundi ''BILI DOON''BILI DITO,o kaya naman''TAPON DITO'',TAPON DOON.Hindi man lang nila naisip na kung ang binili nila o kaya'y tinapon nila ay ibinigay na lang nila sa mga naghihirap ngayon gaya ng mga walang tirahan,o kaya walang sapat na kakayahan na bumili ng ganoong mga bagay.Lalo na nga rin sa panahong ito na kakatapos o ilang buwan pa lang ang nakalipas ng hagupitin tayo ng bagyong Yolanda.Yolanda na puminsala ng mga imprastraktura,mga kabahayan,mga ikinabubuhay ng mga tao doon at ang masaklap kumitil ito ng maraming buhay.Kaya nga't hindi talaga natin maiaalis sa kanila na kalimutan ito agad.Kaya nga dapat maimulat na ang isipan ng mga mayayaman ukol sa kahirapan na nararanasan ng bansa natin,dapat hindi na sila magbulag-bulagan,magbingi-bingihan sa nangyayari ngayon.Lalo na sa panahong ito na higit na nakakaranas tayo ng hirap sa ibat-ibang aspeto.  

          Kaya nga't bilang kabataan dapat tayo'y manguna sa pagsusulong ng Campaign Awareness o ang Kampanya sa Pagkamulat ng Kamalayan ng Tao .Maging isa rin tayong mabuting ehemplo sa kanila na higit pang pangalagaan ang lahat ng bagay sa mundo gaya ng kalikasan sapagkat kung anong ginawa natin ay babalik din ito sa atin na may kapalit pa.Pati na rin ang nararanasan na kahirapan sa bansa natin ngayon.Kaya't higit na kailangan isulong ang Campaign Awareness hindi lang sa akin kundi sa lahat ng tao sa mundo .At sa pamamagitan nito ay mabubuksan ang ating isipan sa iba pang bagay o sa mga nangyayari sa paligid mo.Imulat na ang mga mata at isipin ang tungkol dito.